Hay!!! Mas nakakatakot ngayon dahil sa banta ng f***ing A(H1N1) whatever
Ayun, mga ganung tao pa rin ang blockmates ko. Ganun pa rin ang ugali. Mga kupal, mga mamaw, mga adik, mga malakas mangtrip, ganun pa rin ang tambayan, bagong classroom, may bagong set of professors. Yung iba kilala na namin, yung iba naman bago. Hahaha. Sanay na naman ako sa mga kaklase ko ehh. Eh wala, ako kasi yung ganun ehh, bakit nga ba? Oh well WTF na lang!!!
Sa klase kanina, binigyan kami ng pictures. Project daw namin kung ano yung nakita namin dun. Then ishshare namin sa mga kagrupo ko. Apat kami by the way. Tapos base dun sa mga picture namin, inisip namin na kumanta. Kinanta namin yung Para Sa'yo ni Manny Pacquiao amf hahaha.
Tapos yun, tawanan at gaguhan sa munting tambayan ni Kuya Jun. Sunod na klase, tulog ang utak ko, kasi kilala na namin yung prof, pero mabait at mapagbigay yun. Tapos habang free time ko, napadpad ako sa Megamall upang magcanvass ng laptop at magtanong ng modifying price ng PSP. 1.5k pesos magpamodify, sabi ko nako wala pa akong budget.
Tapos yun bumalik na ako sa Busko. By the way, nickname yan ni Don Bosco Technical College para siguraduhing walang 6:30pm class. Tapos yun hahaha, kwentuhan at gaguhan pa rin. Hay, hindi talaga maiiwasan ang gaguhan. XD
Biglang nag-advance classes ng 7:30, tapos uwian na yehey para makakain na.
Shalom!!!
Another quick blog by Greggy :D
Tuesday, June 16, 2009
Unang araw ng klase
Posted by Greggy at 9:56 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


1 comments:
anong klaseng modification ung gusto mo kuya greg?
Post a Comment