History class namin...hay antukan nanaman ito
Diniscuss nanaman ang buhay ni Jose Rizal so so n times...
Pero may isang tanong sa amin kanina. Tinanong bawat isa sa amin nito:
Aalis ka ba o hindi para sa bayan mo kung iiwanan mo rin ang minamahal mo?
Eto naman ang tanong for girls:
Kung ikaw ang babae ni Rizal, papayagan mo ba siyang makapag-ibang bansa para sa bayan?
Hati ang opinions, karamihan ng reason ng mga aalis papatunayan ang sarili at own welfare. Yung mga hindi aalis naman personal happiness ang dahilan. Merong nagsagot wala lang hahaha. Pero eto dapat yung sagot ko ehh hindi ko agad na-gather lahat ng ideas ko, ang bagal ko kasi mag-isip ehh.
"Kung ako si J. Rizal, aalis ako ng bayan siyempre nung pnahon pa nila madali pa namang pakiusapan ang mga babae. Pwede mo naman siyang pilitin na sumama siya sa iyo sa ibang bansa diba? Marami namang paraan na pwedeng magawa kahit malayo ka sa babae. Pwede mo naman padalhan ng sulat. At eto, malalaman din naman eventually ng babae na successful ang kanyang lalake sa kanyang mission, so at least proud na yung babae mo sa'yo by the time you step foot again on your home roots."
Kayo, may tanong ako sa inyo.
Kaya mo bang iwanan ang mahal mo kung may magandang hangarin ka para sa nakararami?
Tuesday, July 21, 2009
To leave or not to leave...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


0 comments:
Post a Comment